Categories
Broadcast Shows Trendrod Box

‘It’s Showtime,’ emosyonal na namaalam sa TV5

Puno ng emosyon ang huling episode ng Kapamilya noontime show sa Kapatid network.

Ngayong hapon, umere sa huling pagkakataon ang ABS-CBN noontime program na ‘It’s Showtime’ sa TV5. Sa huling bahagi ng episode, sama-sama sa entablado ang mga hosts, na pinangungunahan nina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, at Jhong Hilario.

“Sa araw na ito, isang kabanata ng It’s Showtime ang nagwawakas,” panimula ni Vice Ganda sa kanyang speech. Dito, inilarawan niya bilang isang libro ang palabas. Ito rin ang unang beses na binanggit niya sa programa ang tuluyang pagtatapos ng ‘Showtime’ sa TV5.

Kinuha din niya ang pagkakataon na para mapasalamatan ang pamunuan ng TV5, kung saan napanood ang ‘Showtime’ simula Hulyo 2022. Aniya, “salamat sa pamunuan ng TV5… sa pagbibigay sa amin ng oportunidad na makagamit ng inyong bahay, sa pagkupkop sa amin kahit hindi man masyadong matagal.”

Sinundan pa niya ito ng, “Napakalaking tulong po nun sa amin, sa aming pamilya, sa madlang people, napakalaking pabor yung ibinigay ninyo [TV5] sa amin.” “Kaya naman po, ilang kabanata man ang maisulat namin mula sa araw na ito. Kung saan man mapunta ang istorya ng It’s Showtime,’ bibitbitin namin ang kabanatang ito, kung saan nakaramdam din po kami ng saya sa pagpapatuloy ninyo [TV5],” dagdag pa niya.

Nagpaabot din ng kanyang mensahe si Vice sa mga bossing ng TV5, na pagmamay-ari ni Manny V. Pangilinan. Para kay MVP, “thank you very much for keeping us [Showtime] at sa pagkakataon na makasama ang ating mga Kapatid.”

Gayupaman, ayon kay Vice, “may saya pa rin sa ating mga puso dahil isang kabanata naman ang magbubukas… ang sisimulan natin bukas.” Isang pahiwatig ukol sa mangyayaring paglipat ng ‘Showtime’ sa GTV channel ng GMA. “Itutuloy natin ang lahat ng nasimulan natin kung saan man, dito o doon,” dagdag pa ni Vice.

Nagpasalamat din si Vice sa madlang people, na aniya’y bumubuhay at patuloy na bumubuhay sa programa. “Ang pagmamahal niyo sa amin at ang pagmamahal namin [Showtime] sa inyo ang lumilikha ang isang malaking pag-asa sa amin araw-araw.”

Nagbigay din siya ng kanyang personal na mensahe sa ‘Showtime’ staff, na pinaalalahanan niyang kumapit lang kahit pagod na dahil “itutuloy natin ‘to.” Gayundin, nagpasalamat si Vice sa pagkapit ng mga co-hosts niya sa programa, kahit sila rin at maging siya mismo ay “pagod na pagod na.” Inisa-isa niya rin ang pagbibigay ng mapusong mensahe sa mga hosts gaya nina Anne Curtis, Vhong Navarro, Kim Chiu, at Jhong Hilario, Ryan Bang, at iba pa.

Hindi naman pinalagpas ni Vice ang pagkakataon na gawin pa ring magaan ang sitwasyon, nang kanyang biruin si Kim Chiu na “sa dami ng pagkakataong pwede kang lumabas sa sitwasyon… kaso bawal pala lumabas.” Rebelasyon naman ni Meme, muntikan na rin noong umalis ng bansa si Ryan Bang, ngunit hindi lamang ito natuloy.

“Ang tatag niyo, grabe kayo,” ang sinabi ni Vice bilang papuri sa mga bosses niya sa ABS-CBN, na kanya ring pinasalamatan. “Thank you for making us feel so loved, so special, and so precious because we really are,” dugtong pa ni Vice.

Nag-bow naman nang sabay-sabay ang mga hosts, tanda ng kanilang pagwawakas sa TV5 ngayong araw. Muli ring nagpaabot ng kanyang “thank you” si Vice Ganda para sa TV5. Kasunod nito, umawit si Vice kasama ang mga finalists ng ‘Tawag ng Tanghalan Duets.’

Pagkatapos nito, ‘nag-group hug’ ang ‘Showtime’ family, kabilang na ang mga staff ng programa. Inakap din on-air ni Vice ang kanilang direktor na si Jon Moll, na kitang emosyonal din. Sumenyas naman ng mga ‘finger hearts’ ang marami, upang muling i-signal ang kanilang pagsasahimpapawid sa GTV simula bukas.

Sa pinakadulong bahagi, hindi matapos ang pagbibigay-salamat sa TV5 at Manny Pangilinan ng mga hosts at ni direk Jon Moll. Bago rin lumabas ang title card, humabol pa si Vice ng “It’s Showtime on TV5, now signing off. Thank you very much.”

Madlang Kapatid

Matapos ang higit isang taon ng partnership ng ABS-CBN at TV5, inanunsyo noong Hulyo 2022 ang pagsisimula ng pag-ere ng ‘It’s Showtime’ sa TV5. Sa halos isang taong pamamalagi ng programa sa network, naka-back-to-back nito ang ‘Tropang LOL’ ng Brightlight Productions — na siya namang naunang natapos noong Abril 2023. Umurong din at umikli ang programa, na napanood tuwing 12:45 pm hanggang alas-3 ng hapon simula noong Hulyo 16, 2022 hanggang Abril 29, 2023.

Schedule Suggestions: The new lunchtime combo: LOL x Showtime on three channels

‘It’s Showtime’, balik alas-12 ng tanghali simula Lunes, Mayo 1, 2023

RELATED STORIES

Simula naman noong Mayo 1, bumalik sa pang-alas 12 na time slot ang ‘Showtime,’ na noo’y kasunuran na ang nagbabalik na ‘Face 2 Face’ sa TV5. Naging tatlong oras na ulit ang runtime nito.

Subalit, noong Mayo 31, opisyal nang kumalas sa TAPE, Inc. sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, at mga ‘Dabarkads’. Matapos ang isang linggo, inanunsyo nila noong Hunyo 7 ang kanilang paglipat sa TV5. Sa Hulyo 1 din itinakda ang pagsisimula ng kanilang Kapatid noontime show.

TVJ, kumalas na sa TAPE

‘TVJ on TV5’: Original ‘Eat Bulaga’ hosts to set up noontime show on the Kapatid network

RELATED STORIES

Dahil dito, inalok ng TV5 na ilipat ang ‘Showtime’ sa oras na 4:30 pm, bilang pre-programming sa ‘Frontline Pilipinas’. Ngunit, tinanggihan ang offer na ito ng ABS-CBN. Sinunod na lamang din ng dalawang partido ang blocktime contract nito, na kung saan hanggang ngayong araw, Hunyo 30 na lamang mapapanood ang ‘It’s Showtime’ sa Kapatid network.

Madlang Kapuso

“What’s up, madlang Kapuso!”: ABS-CBN, GMA sign contract for GTV broadcast of ‘It’s Showtime’

Vice Ganda, ibinahagi ang kanyang personal na kwento sa mga pangyayari sa ‘Showtime’

‘It’s Showtime’ to air on GTV starting this July

RELATED STORIES

Noong Hunyo 20, inanunsyo ng ABS-CBN at GMA Network na nagkasundo na ang Kapamilya network at Kapuso channel na GTV na doon na i-ere simula sa July 1 ang ‘It’s Showtime,’ na sinundan naman ng contract signing event noong Hunyo 28.

Sa pagdating ng ‘It’s Showtime’ sa GTV, makakasama na nito sa iisang bubong ang bagong ‘Eat Bulaga’ ng TAPE, Inc., na umeere naman sa channel 7 mismo ng GMA. Sa kabila naman ng kanilang pagsisimula bukas, Hulyo 1, sa GTV, ang ‘It’s Showtime’ ay patuloy pa ring mapapanood sa ibang ABS-CBN platforms gaya ng Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at ang A2Z channel, na nasa free TV din.


One reply on “‘It’s Showtime,’ emosyonal na namaalam sa TV5”

Leave a Reply

Discover more from Trendrod

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading