Inanunsyo nila ang kanilang pag-alis sa pamunuan ng TAPE sa pamamagitan lamang ng kanilang YouTube livestream.
Ngayong araw, Mayo 31, nagulat ang karamihan ng manonood nang umere ang replay episode ng noontime show na ‘Eat Bulaga.’ Ito ay kahit pa nakatakda dapat na umere nang live ang nasabing programa sa TV. Kanilang ipinalabas ang episodes mula Marso 2023, kasama na ang grand finals ng segment na ‘Little Miss Diva,’ kung saan inihayag nila Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon ang kanilang mga paunang tirada ukol sa kontrobersiya sa likod ng kamera.
Maya-maya, bago pumatak ang ala-una ng hapon, umere nang live sa pamamagitan ng kanilang live stream sa YouTube ang TVJ, kasama na ang iba pang ‘Dabarkads.’
Pambungad ni Tito Sotto, “hindi po kaming pinayagang umere ng new management [ng TAPE, Inc.] nang live,” kaniyang pagdidiin. Sinundan naman nito ni Joey, kung saan siya’y nagbalik-tanaw sa mga pinagdaanan ng programa sa nakalipas na 44 taon. Nagpasalamat siya sa kanilang mga naging ‘tahanan’ sa nakalipas na taon, gaya ng RPN, ABS-CBN, at GMA. Nagpasalamat din si Vic sa mga manonood, at gayon din si Tito sa mga advertisers, at kay Antonio Tuviera na dating executive producer ng programa, at sa Panginoong Diyos.
Nagpakawala naman ng malaman na mensahe si Vic, kung saan kanyang sinabing “hangad lang namin ang makapagtrabaho nang mapayapa, walang maaagrabiyado, at may respeto sa bawat isa.” Siya na rin ang nag-anunsyo ng pinakamahalagang bagay para sa kanilang group, aniya “simula ngayong araw, May 31, 2023, kami po ay magpapaalam na sa TAPE, Inc.” Dagdag pa niya, “karangalan po namin na kami po ay nakapaghatid ng tuwa’t saya mula Batanes hanggang Jolo at naging bahagi ng buhay ninyo.”
“Maraming maraming salamat sa inyong lahat. Hanggang sa muli, saan man kami dalhin ng tadhana, tuloy ang isang libo’t isang tuwa,” pang-wakas na mensahe ni Sotto.
Matapos nito, ay mahigpit na nagyakapan sa bawat isa ang TVJ at ang mga ‘Dabarkads,’ kung saan kasama sina Allan K., Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Ryan Agoncillo, Maine Mendoza, at Ryzza Mae Dizon. Pagkatapos umere ng nasabing announcement, bumalik muli sa replay episode ang stream, kung saan simulcast ito ng napapanood sa TV.
Samantala, naglabas naman na ng kanilang opisyal na pahayag ang GMA Network, ang tahanan ng ‘Eat Bulaga’ sa nakalipas na 28 taon.
We are saddened by today’s unexpected turn of events with regard to Eat Bulaga. GMA has been the home of Eat Bulaga for many years and we still have a block time agreement with TAPE until the end of 2024 for the noontime slot. Together with all the Filipinos, we pray for a smooth and swift resolution of their issues.
Maraming salamat sa patuloy na pagsuporta, mga Kapuso.
GMA Network statement on Eat Bulaga (May 31, 2023)
Naglabas din ng pahayag ang TAPE, Inc. ukol sa mga pangyayari sa programa.
TAPE, naglabas na ng kanilang opisyal na pahayag ukol sa ‘Eat Bulaga’
BASAHIN ANG KABUUAN NG PAHAYAG NG TAPE, INC. SA KARUGTONG NA ISTORYA NITO
Hindi naman hayagang sinabi ng TVJ ang magiging kinabukasan ng programa, ngunit maugong ang balitang tatalon sila papunta sa kabilang bakod — TV5. Hindi umano ay selyado na ang kanilang pag-ere sa Kapatid network, kung kaya’t kanila nang inanunsyo ang kanilang pag-alis sa TAPE, Inc. ngayong araw.
Kung sakali ngang totoo ito, posibleng masasagasaan sa oras ang mga kasalukuyang noontime offerings ng TV5 na ‘Face 2 Face’ at ang ‘It’s Showtime,’ na kakabalik lang sa 12 noon slot noong simula ng buwan na ito.
Wala pang komento ang TV5 ukol sa haka-hakang lilipat sa kanilang istasyon ang mga dating hosts ng ‘Eat Bulaga’ para isang bagong noontime show.
Topic: Eat Bulaga Controversy
VISIT THE PAGE FOR ALL THE STORIES ON THE ISSUE SURROUNDING ‘EAT BULAGA’

6 replies on “TVJ, kumalas na sa TAPE”
According to the rumors so far, the differences between TAPE’s continuation of EB and TVJ’s own rumored show as as follows:
TAPE:
– new cast (Soraya Jalosjos included), staff, and studio
– EB segments might be retained since their trademarks currently belong to TAPE
– would continue with GMA
TVJ:
– same EB cast, staff, and studio
– a co-production of Brightlight, Archangel/APT Ent. (TV5’s pandemic-era blocktime companies), and potentially M-ZET
– all new segments
– might air on an extended timeslot on TV5
– might decrease ABS-CBN Entertainment’s blocktiming fee
[…] TVJ, kumalas na sa TAPE […]
[…] TVJ, kumalas na sa TAPE […]
[…] • TVJ, kumalas na sa TAPE […]
[…] TVJ, kumalas na sa TAPE […]