Categories
Sched Check Shows Trendrod Box

‘It’s Showtime’, balik alas-12 ng tanghali simula Lunes, Mayo 1, 2023

‘Party party’ mula alas-dose na muli.

Balik alas-12 ng tanghali na ang ‘It’s Showtime’ simula sa Lunes, Mayo 1, 2023. Ito ang kinumpirma ng ABS-CBN sa pinakabagong teaser ng programa na ipinalabas sa telebisyon at online.

Makaka-back-to-back ng programa ang nagbabalik na ‘Face 2 Face’ sa TV5, na ipapalabas naman tuwing 11 am, Lunes hanggang Biyernes. Ito ay i-hohost nina Karla Estrada at Alex Calleja, pawang mga dating bahagi ng ‘Tawag ng Tanghalan’ sa ‘Showtime’.

Sa kasalukuyan, hindi pa inaanunsyo ng ABS-CBN ang ilalagay nito sa oras bago ang ‘Showtime’ sa Kapamilya Channel at A2Z, maging sa Kapamilya Online Live.

Samantala, nakatakda naman na ang pamamaalam sa Sabado, Abril 29, 2023, ng programang ‘Tropang LOL’ — ang kasalukuyang katambal ng ‘Showtime’ tuwing tanghali.


2 replies on “‘It’s Showtime’, balik alas-12 ng tanghali simula Lunes, Mayo 1, 2023”

Leave a Reply