Categories
Trendrod Trendrod Plus Updates

Nandito na ang Trendrod Nation

Maki-balita at makipag-huntahan na sa inyong bagong makakasama sa iba’t-ibang plataporma.

Maki-balita at makipag-huntahan na sa inyong bagong makakasama sa iba’t-ibang plataporma.

Simula ngayong Oktubre 30 (Biyernes), magsisimula na ang balitaan at huntahan sa Trendrod Nation, na siyang magtatampok ng mga kwentong inyong sinusubaybayan mula sa Trendrod.

Ang nasabing bagong dagdag sa lumalawak na mga produkto at serbisyo ng inyong  pahayagang binabasa ay mula sa pagsasanib-pwersa ng inyong kinagigiliwan at pinagkakatiwalaang mga verticals ng Trendrod, na siyang maghahatid ng kaparehong lalim at bilis sa paghahatid ng mga balita sa wikang Filipino.

Matutunghayan ang mga kwentong ibabahagi ng Trendrod Nation sa nga social media pages nito sa Facebook, X (Twitter), Instagram, Threads, at YouTube.

Gayundin, mababasa ang mga piling balita na nai-limbag sa Filipino sa ating opisyal na tahanan sa trendrod.com.

Sa pagsisimula ng Trendrod Nation, ibinahagi ni Janus Baranda, Tagapaglathala ng Trendrod na ang paglulunsad nito ay bahagi ng patuloy na pagpapalawak ng nasabing publikasyon upang maabot ang mas marami pang magbabasa at manonood sa iba’t ibang plataporma.

Aniya, “Magiging kabalikat ang Trendrod, sa pamamagitan ng Trendrod Nation, sa pagtulong sa ating industriya at bayan upang maiparating ang tamang balita at impormasyon sa ating mga kababayan.”

Dagdag pa niya, bukod sa pagbubukas ng Trendrod Nation, patuloy ding pinapalakas ng Trendrod ang iba pang bahagi ng operasyon nito.

Kasama na rito ang mas pinaigting na Trendrod Access, na siyang pangunahing yunit para sa mga multimedia na istorya—kung saan pinagsasanib ang lakas ng bidyo at teks.

Itinataguyod din ng Trendrod sa pamanagitan ng Trendrod Quests and Trendrod Sunday ang pagbabahagi ng mga kwento na ayon sa tema at porma ng mga tagasubaybay ng Trendrod tuwing weekend.

Sundan na ang mga kwentong inyong sinusubaybayan mula sa Trendrod sa Trendrod Nation sa Facebook, Threads, Instagram, YouTube, at sa trendrod.com.


Trendrod.com's avatar

By Trendrod.com

This is Trendrod, the Familiar Alternative.

Leave a Reply