As discussions about it became a hot topic on social media.
In a post on her Facebook account, Miss Earth Philippines 2025 Joy Barcoma shared her thoughts regarding the issue of “queerbaiting” content creators, who have been tagged as “bakla-baklaan for content.”
Reacting to the thinkpiece created by director Rondina Singh, the beauty queen host shared, “Wala namang problema magbakla-baklaan dahil wala namang nakakahiya sa pagiging bakla. If anything being gay is being interesting kaya nga yun ang ginagawa niyong persona.“
“Ang problema, kumikita kayo sa pagcocosplay ng ‘bakla’ pero kapag panahon na para ibalik ang suporta sa komunidad na ginagawa niyong puhunan para kumita, tahimik kayo,” she continued.
Barcoma then emphasized that if these creators are able to copy the movements of queer people, they must also be grounded on the realities of the community.
Originally written in all caps for emphasis, Joy said, “Kung kaya niyong gayahin ang mga bakla, dapat kaya niyo rin tahakin ang masukal na daan at maranasan ang masalimuot na mundo para lang sa kanilang pagtanggap.“
“Makibaka kayo para sa kanila. Magsalita kayo para sa kanila. Higit sa lahat, mahalin niyo rin sila,” she concluded her post.
In her post, Singh shared two cents about the matter, where she said her college thesis about the specific matter concerning Philippine cinema.
“Kung babalikan mo, hindi naman ito random na phenomenon. Noong 1954, ginampanan ni Dolphy ang PINAKA-UNANG BAKLANG karakter sa Philippine cinema. At hindi doon nagtapos. Dahil sa sobrang tagumpay ng pelikulang iyon, halos dalawampung pelikula ang ginawa niya sa loob ng isang dekada na umiikot sa baklang persona. At doon nagsimula ang isang pattern—isang formula na susundan ng marami,” she wrote.
Singh also mentioned when Lino Brocka came into the picture, it was given a different light. “May Tubog sa Ginto, may Tatay Kong Nanay, may Markova. At kahit si Dolphy mismo, lumihis din sa caricature at nagpakatao. Doon namin nakita na may pagitan—may distansya ang bakla bilang punchline at bakla bilang tao. Kahit problematic ang bakla-baklaan noon, naging bahagi pa rin siya ng history. Hindi siya ang dulo, pero isa siyang entry point.“
She then fast forwarded to 2026, at a time when social media is king and creators do their “bakla-baklaan” content. “Malinaw na: pera na siya. May mga content creator na magpapanggap na bakla, gagamit ng boses, galaw, humor, kasi alam nilang may audience. Gumagana eh. Nakakatawa kami. May market ang kabaklaan namin,” she continued.
The director added, “At dito nagiging malinaw yung tension. Hindi naman namin sinasabing tumigil kayo. Hindi naman namin pag-aari ang bawat anyo ng kabaklaan. Alam namin na kapag naipakita na ang isang identity, automatic na puwede itong gayahin, i-perform, i-appropriate. Wala kaming magagawa doon. Pero may hangganan.”
“Hindi puwedeng kinakain niyo ang kabaklaan namin habang kayo rin ang unang nananapak dito. Hindi puwedeng kumikita kayo sa bakla humor tapos kayo rin ang tumatawa sa homophobia, o mas malala, kayo mismo ang gumagawa nito. Hindi puwedeng sabay kayong kumakain at naninira. Ang kakapal naman ng mga mukha niyo aba,” Rondina furthered.
She also did not mince her words and said, “At real talk lang—marami sa inyo ang kumakapit sa bakla-baklaan kasi hindi sapat ang pagiging straight niyo para maging interesting. Kung sapat ang personality niyo, hindi niyo kailangang manghiram ng amin.”
“Tapos ano, ngayong tinatalakan kayo ng mga bakla, ilalapag niyo na parang baraha yung banter niyong ‘kayo nga ang lalakas niyong manlait.’ Na parang contradiction—nagdedemand ng rights pero pala-okray. Parang ang framing lagi, masamang ugali lang ito. Pero kung titingnan mo nang maayos, hindi naman talaga ito tungkol sa ugali.“
Jumping a few paragraphs, Singh underscored: “Sa dulo, hindi naman talaga complicated ang tanong. Matagal na kaming nakakatawa para sa inyo. Pero ngayon, sino ang pinagtatawanan, at sino ang kumikita? Kung ang tawa ay galing sa amin, at ang pera ay napupunta sa inyo, hindi na ’yan simpleng comedy. Extraction na ’yan. Kakapalan ng mukha. May balik yan.“
In conclusion, “At kung gusto niyong manatili sa espasyong ’yan, panindigan niyo. Hindi lang sa camera, kundi sa totoong buhay. Higit sa lahat, galingan niyo sana.”
