Kanilang kinumpirma na magtutuloy ang kanilang relasyon ng GMA.
Huwebes, Hunyo 1, naglabas sa pamamagitan ng opisyal na ng kanilang pahayag ang Television And Productions Exponents, Inc. o ang TAPE, Inc. ukol sa mga kaganapan sa ‘Eat Bulaga’ kahapon. Sa live stream ng programa kahapon, nagbitiw na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon sa TAPE matapos ang higit 40 taon.
TVJ, kumalas na sa TAPE
RELATED STORY
Narito ang buong pahayag ng TAPE:
TAPE, Inc. is saddened by the turn of events yesterday, May 31 but we respect the decision of the hosts to leave Eat Bulaga and GMA 7 Network, which has been their home for 28 years.
We are grateful to the men and women who worked tirelessly for the past 43 years to make our noontime show number 1. The success of Eat Bulaga is not dependent only on three (3) people but on the collaborative efforts of its talents, crew, and loyal viewers.
We are happy for the full support of GMA 7 in making Eat Bulaga bigger, to bring more fun and excitement to every Filipino.
We want to assure the public and the supporters of the show through its segments that we are committed to provide quality entertainment.
It is unfortunate, but life must go on. As with life, we have to accept changes but we have a duty to every Filipino.
Abangan ninyo ang mga bagong magpapasaya at magpapatibok ng ating mga puso. Aasahan ninyo ang mas masaya, mas nakakaaliw at HIGIT PA SA ISANG LIBO’T ISANG TUWA na Eat Bulaga. Patuloy ang Dabarkads na maglilingkod para sa inyo, mga Kapuso MULA APARRI HANGGANG JOLO AT SA BUONG MUNDO.
Ang pag-alis ng mga hosts ay hindi dahilan para tumigil ang pag-ikot ng mundo.
TAPE, Inc. Official Press Statement ( June 1, 2023)
Nakapirma sina TAPE President and CEO Romeo ‘Jon’ Jalosjos, Jr. at si TAPE Director for Finance at Dapitan City Mayor Seth Frederick ‘Bullet’ Jalosjos.
Sa nasabing statement, kinumpirma ng TAPE na nasa kanila pa rin ang ‘Eat Bulaga’ at ito pa rin ay magpapatuloy kasama ang ibang set ng mga hosts. Kanila ring kinumpirma ang pananatili sa Kapuso network, ang naging ‘bahay’ ng EB sa loob ng 28 taon.
Samantala, kumakalat naman ngayon online ang umano’y naging resignation letter ng iba pang co-hosts ng ‘Eat Bulaga’ na naka-address sa TAPE. Dito, pumirma sina Allan K., Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Ryan Agoncillo, Ryzza Mae Dizon, at Maine Mendoza. Pinatotohanan naman ito ng TAPE, ayon sa programang ‘Fast Talk with Boy Abunda’ sa GMA.
Sa ngayon, hindi pa malinaw kung kailan babalik ang ‘Eat Bulaga’ sa ere, kung saan nagpapalabas muna ang TAPE ng mga lumang episodes ng programa simula kahapon. Gayundin, hindi pa alam sa kasalukuyan ang magiging susunod na hakbang ng TVJ, ng iba pang dating hosts sa ‘Eat Bulaga,’ at ng mga miyembro ng produksyon.

3 replies on “TAPE, naglabas na ng kanilang opisyal na pahayag ukol sa ‘Eat Bulaga’”
Ang Eat Bulaga ay gusto kong ililipat sa PTV 4, at may ipapangalan sa GMA at TAPE Incorporated na Noontime Pinas Saya!!!