Categories
Showbusiness Shows Trendrod Box Trendrod News Trendrod Select

Tito Sotto, nagsalita tungkol sa naging kontrobersyal na pag-alis sa TAPE

Ayon sa dating host, hindi nakaplano ang mga naging kaganapan kahapon.

Sa panayam sa programang ‘Julis at Tintin’ sa One PH, Huwebes, binasag ni Tito Sotto ang misteryo ukol sa nakaka-bulagang desisyon nila kahapon. Ayon sa dating Senador, hindi nakaplano ang kanilang pagbitiw sa TAPE kahapon. Sa katunayan daw, sila ay naghahanda pa para sa kanilang live show dapat pagsapit ng tanghali.

Subalit, nabigla raw sila nang may magsabing hindi sila pinayagan ni “Chairman,” na kanyang kinilala bilang si TAPE Chairman Romeo Jalosjos, na umere nang live. Kanyang hinuha, maaaring may nagsabing magreresign silang tatlo, kasama sina Vic Sotto at Joey de Leon, nang live sa ere. Pero, kanyang nilinaw na wala pa silang napapagpasiyahan bago sila pumasok kahapon. Dapat pa nga raw ay makikipagpulong sila sa mga opisyales ng TAPE ngayong araw o sa June 10 “para sa anniversary.”

Ngunit, nang dahil sa nangyaring iyon, aniya ni Sotto “pinabilis nila ang desisyon,” kung saan kanyang tinutukoy na “nila” ay ang kumpanya ng TAPE. Kaya rin, bago mag-ala una kahapon, umere sa online streaming ng ‘Eat Bulaga’ ang kanilang live na pagsasalita ukol sa kanilang tuluyang paglisan sa TAPE.

Nang matanong tungkol sa titulo at sa mga segments ng ‘Eat Bulaga,’ kanila munang hahayaang gamitin ng TAPE ang titulo ng show. “Kaya gamitin muna nila habang nag-iisip pa kami kung ano ang susunod naming steps. At pagkatapos, bayaran [ng TAPE],” wika ni Sotto. Kung sakali naman daw na bumuo sila ng panibagong programa, sinabi ni Sotto na hihintayin muna nila ang desisyon ng Intellectual Property Office of the Philippines o IPOPHL ukol dito.

Dagdag pa ni Sotto, hinihintay pa nila ang magiging desisyon ng IPO ukol sa mga susunod na mangyayari, at titimbangin dito kung dapat i-akyat sa hukuman ang kanilang isyu. “‘Pag sobrang obvious, wala kang magagawa. Ngayon, ‘pag medyo kontrobersiyal, talagang makakarating sa korte ‘yan.”

Sa segments naman na kanilang iniwanan, inulit din ni Sotto ang kanyang sinabi noong Abril, kung saan naka-file umano ang mga copyright ng mga ito sa headwriter ng ‘Eat Bulaga.’ Samantala, ang jingle naman daw ng ‘Eat Bulaga,’ na ki-nompose ni Vic Sotto, ay nakarehistro sa ilalim ng Star Music ng ABS-CBN.

Ibinahagi din ni Sotto na may “tatlong istasyon” silang nakausap “wala pang dalawang oras” mula noong mag-resign sila mula sa TAPE kahapon. Pangunahing konsiderasyon naman daw nila sa kanilang lilipatang network ang “pakikisama.” Samantala, kinumpirma naman niya na kausap nila ang NET25, ang TV5 at Cignal / One PH, at ang anak ni dating RPN head Kitchie Benedicto para sa channel 9.

Nang itanong naman kung sasama ang iba pang ‘Dabarkads’,’ “100 percent,” sabi ni Sotto. Samantala, hindi pa raw nila nakakausap si dating ‘Eat Bulaga’ executive producer Antonio ‘Tony’ Tuviera dahil nasa abroad pa ito.

Hindi na rin daw sila nakapag-usap ng mga kinatawan mula sa TAPE mula noong Abril, maliban lamang daw noong pagkakataong binayaran daw ng TAPE ang utang nila kina Vic at Joey noong nakaraang linggo. Hindi rin daw nakausap ng TVJ ang GMA Network, pero hindi naman daw siya persomal na nagtatampo sa GMA.

Klinaro naman muli ni Tito Sotto ang billboard nilang tatlo, kung saan nakikita sila sa NET25. Aniya, “para sa kanya-kanya naming programa” ang nasabing billboard at hindi para sa bagong show nilang tatlo.

Ikinuwento naman ni Tito Sotto na ang kanilang pinagtulungan ni Mayor Albee Benitez. Ayon sa kanya, ito ay tungkol sa pagbuhay sa dating musical-gag show na ‘Okey Lang,’ na umere noon sa IBC-13. Dagdag ni Sotto, “wala pang network” ukol sa ideyang ito.

Hindi naman daw magtatagal ang kanilang pagpapahinga, sabi ni Tito “hindi siguro…” at “hopefully very soon,” nang itanong kung aabot pa sa July 30. Sabi ni Sotto, kanilang inaalala ang trabaho ng mga staff at crew na kasabay nilang umalis sa TAPE kahapon. Nasa “between 80 and 95 percent” naman na siyang sigurado sa lilipatan nila, pero hindi pa raw niya alam ang kina Vic at Joey.

“Tama sila,” ang reaksyon ni Tito ukol sa mga komento gaya ng “freedom at last,” ng mga netizens sa naging pag-alis nila sa TAPE kahapon. Nagpasalamat naman si Sotto sa mga manononood bilang pagwawakas sa nasabing interview.

TVJ, kumalas na sa TAPE

TAPE, naglabas na ng kanilang opisyal na pahayag ukol sa ‘Eat Bulaga’

RELATED STORIES

Leave a Reply

Discover more from Trendrod

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading