Categories
Shows Trendrod Box

‘Face to Face’ magbabalik na sa TV5; ‘Tropang LOL’ aalisin sa pang-umagang timeslot?

Sawsawero’t sawsawera, kapalit ng mga Katropa?

Magbabalik na umano ang TV5 talk show na ‘Face to Face’ ngayong taon, inulat ni Ogie Diaz sa kanyang vlog ngayong araw, March 23, 2023. Ayon sa reporter, si Karla Estrada at Alex Calleja ang napili bilang mga hosts ng bagong ‘Face to Face’, sasahimpapawid raw tuwing alas-11 ng umaga mula Lunes hanggang Biyernes, kapag ito ay nagsimula nang umere.

Samantala, ang kasalukuyang show ng TV5 sa nasabing timeslot na ‘Tropang LOL’ ay nakatakda na raw umanong magwakas sa Abril 29 o ‘di naman kaya raw ay mailipat sa pang-hapon na timeslot.

Kung matutuloy din ang pag-alis ng ‘LOL’ sa pang-umagang slot nito, maaari ring ibalik sa dating alas-12 na simula ang Kapamilya noontime program na ‘It’s Showtime’, na umeere kasunod ng ‘Tropang LOL’ sa TV5 tuwing 12:45 pm.

Sa kasalukuyan, wala pang opisyal na pahayag ang TV5 at Brightlight Productions, na siyang prodyuser ng ‘Tropang LOL’, ukol sa nasabing report.

Ang programang ‘Face To Face’ ay umere dati sa TV5 mula noong 2010 hanggang 2013 at nagsilbing hosts nito sina Amy Perez, Gelli de Belen, at Hans Mortel.

Samantala, ang ‘Tropang LOL’ naman ay nagsimula noong 2020 bilang noontime show na ‘Lunch Out Loud’. Noong nakaraang Hulyo 2022, inilipat ito sa pang-umagang oras upang maka-back-to-back ang ‘It’s Showtime’ na prinoprodyus naman ng ABS-CBN at umeere ang parehong programa sa TV5, A2Z, at Kapamilya Channel sa TV.


March 31, 2023 update:

Kinumpirma na ng TV5 ngayong March 31, 2023 ang pagbabalik ng programang ‘Face to Face’. Ayon sa network, ang revival ng nasabing show ay papangalanang ‘Face 2 Face’. Magsisimula itong umere sa Mayo 1, 2023, alas-11 ng umaga.

Leave a Reply

Discover more from Trendrod

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading