Categories
Celebrities Music Trendrod Hit Trendrod Life

The Boyz’s Eric shares handwritten notes to fans in multiple languages

The K-pop star made his love known to their fans all over the world.

On New Year’s Day, The Boyz member Eric Sohn released his scanned handwritten letters to his fan community online.

Aside from writing one in Korean, the 25-year-old K-pop star went out of his way to write more in various languages, including one in Filipino.

Here is what he has to say:

TO. THE B

Hello, Deobi. Ako si ERIC ng THE BOYZ! Dumating na naman ang bagong taon. Maligayang Bagong Taon sa inyong lahat!

Kumusta ang naging 2025 para sa inyo. Deobo? Sigurado akong hindi ito naging madali.

Marahil marami ring araw na masaya, pero marami ring sandaling masakit sa puso, tama ba? Kahit hindi sabihin nang diretsahan, alam ko ang mga panahong matiagang tiniis at pinagdaanan ng Deobi.

Kaya gusto ko kayong yakapin isa-isa at Sabihing, “Ang galing n’yo. Ang dami n’yo ring kinaya.”

Deobi, sa mga panahong nalito tayo, nasaktan, at minsan ay napagod, salamat sa patuloy ninyong pananatili sa tabi ng THE BOYZ at patawad din. Para sa akin, ang 2025 ay isang taong mahaba ang gabi at puno ng pag-iisa.

Sa mga madaling-araw na hindi ako makatulog, naaalala ko ang mga araw na nami-miss ko, at kahit minsan ay nakakatakot ang hinaharap, pinapangarap ko pa rin ito nang may pag-asa.

Sa huli, dahil Sa Deobi, mas gusto kong maging mas mabuting tao.

Ngayong taon, sana mas dumami ang mga panahong hindi mo na kailangang magtiis. Sana mas maging payapa ang puso mo, at mas madalas kang makatawa nang buong-buo.

Simula ngayon, mamuna akong maglakad nang isang hakbang para walang tinik sa dadaanan mo.

Kung nangangarap ang Deobi ng walang hanggan, mananatili ako sa tabi ninyo para sa walang hanggang iyon. Nangangako ako. Hindi ko lakalimutan ang nakaraang taon—mula sa mga sugat hanggang sa masasayang alaala—itatago ko silang lahat sa isang sulok ng puso ko.

Ituturing ko ang lahat ng iyon bilang pundasyon na mas nagpapatibay sa atin.

Mamahalin ko kayo nang buong-buo at Walang Pagsisisi, Deobi. Sana Samahan n’yo rin ako sa 2026. THE BOYZ & THE B. Gets? Sige! “Tandaan n’yo palagi, mahal kayo ni Eric.”♡

2026.01.01

-Mula kay Eric, na sobrang-Sobrang mahal ang Deobi

P.S. Sobrang nami-miss talaga kita, THE B. Hinihintay ko ang araw na magkita tayo ulit… Kahit minsan lang tayo magkita, Sana manatill tayo nang matagal. Promise.

Eric, along with the rest of THE BOYZ, debuted in 2017 and have released over the years songs like Boy, No Air, Bloom Bloom, DDD, The Stealer, Maverick, Thrill Ride, Whisper, Roar, Lip Gloss, and Watch It.


Leave a Reply

Discover more from Trendrod

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading