Nasa Pilipinas ang mga aktor na Thai na sina Billkin Putthipong at PP Krit.
Ayon sa kanilang local promoter, mangyayari ang kauna-unahang fanmeeting event ng dalawang aktor sa Maynila sa Linggo, Setyembre 10, 2023. Ito ay gaganapin sa World Trade Center sa Pasay City.
Ang nasabing event ay bahagi ng kanilang Asia fanmeeting tour, na kanilang itinanghal na rin sa ibang mga lugar tulad ng Hong Kong, Taipei, Taiwan, at kamakailan, Tokyo at Osaka sa Japan.
Sumikat sina Billkin at PP sa kanilang pagganap sa BL (boys love series) na ‘I Told Sunset About You’ at ‘I Promised You The Moon’.
