Nagtanghal ang grupo sa kauna-unahang pagkakataon sa bansa.
Ang Korean pop group na P1Harmony ay nagsagawa ng kanilang unang solo concert sa Pilipinas noong Sabado, Setyembre 9. Ito ay ginanap sa New Frontier Theater sa Quezon City at bahagi ito ng kanilang ‘P1ustage H: P1oneer’ tour, na nagsimula noong Enero sa kanilang home base sa Seoul, South Korea.
Sa ngayon, naglakbay na sila sa mga destinasyon sa Amerika, Canada, at Latin America.
Sa Asya, huminto sila kamakailan sa Hong Kong noong Setyembre 5, bago lumipad patungong Maynila para sa September 9 concert nila rito.
Pagkatapos nito, nakatakda silang magdaos ng ilan pang mga shows sa iba pang mga lungsod sa Asya at Australia hanggang Oktubre, kabilang ang Singapore, Bangkok, Taipei, at Sydney.
Simula sa Nobyembre, sila ay nakatakdang magtanghal sa Europe para pa rin sa world tour. Ito ay gaganapin sa mga lungsod gaya ng Paris, Zurich, at Berlin.
Sa social media, pinasalamatan ng grupo ang kanilang mga tagahanga na dumalo sa event noong Sabado. Ipinahayag din nila ang kanilang pananabik na makabalik sa bansa at nag-iwan ng maikiling mensahe na “see you again, Manila.”
Ang nasabing K-pop group ay binubuo ng anim na miyembro na aina Keeho, Theo, Intak, Jiung, Soul, at Jongseob.
Sila ay inilunsad sa ilalim ng FNC Entertainment noong 2020 at naglabas ng mga awiting tulad ng “Siren,” “Do It Like This,” “Gotta Get Back,” at pinakabago ay ang “Jump,” na bahagi ng kanilang album na ‘Harmony: All In’ na inilabas noong Hunyo ngayong taon.
