Categories
News Trendrod News

Batikang showbiz reporter Mario Dumaual, pumanaw na

Rest in peace, Sir Mario.

Pumanaw na sa edad na 64 ang beteranong showbiz reporter na si Mario Dumaual. Ayon sa kanyang pamilya, sumakabilang buhay si Dumaual kaninang 8:01 am dahil sa septic shock.

Isang buwan na ang nakararaan, na-confine si Dumaual nang dahil sa isang heart attack. Subalit, habang nasa recovery stage ang batikang reporter, nagkaroon siya ng servere fungal infection.

Ayon sa kanyang pamilya, kanilang ibabahagi ang detalye ng kanyang lamay sa mga susunod na araw.

Nagpaaabot na rin ng pakikiramay ang kanyang organisasyon na kinabibilangan, ang ABS-CBN News. Inilarawan ng hepe nitong si Francis Toral si Dumaual bilang “one of a kind.” Nagpasalamat din si Toral sa ngalan ng buong division sa naging kontribusyon ni Dumaual sa ABS-CBN, aniya “we will miss you” at “salamat sa nag-iisang Mario Dumaual.”

Naging bahagi si Dumaual ng ABS-CBN sa loob ng higit na tatlong dekada. Tinagurian din siyang institusyon sa showbiz news reporting sa lokal na telebisiyon, dahil sa naiiba niyang timbre sa pagbabalita ng mga kaganapan sa lokal na aliwan. Bago rito, naging kabahagi din siya ng mga pahayagan gaya ng Times Journal.

Ipinapaabot ng Trendrod ang simpatiya at panalangin nito para sa kanyang pamilya, mga kaibigan, at naging katrabaho sa industriya.


One reply on “Batikang showbiz reporter Mario Dumaual, pumanaw na”

Leave a Reply