“Do you trust me?”
Iyan ang tinanong ng ‘kapitan’ ng BGYO na si Gelo Rivera kay Maris Racal. Pero kapit at kalma lang, Aces, ito ay para lamang sa isang music video na kanilang pagsasamahang dalawa.
Ngayong araw, Mayo 17, 2023, nakatakdang ilabas ni Maris Racal ang opisyal na music video ng kanyang 2022 single na may pamagat na ‘Carelessly.’ Ang nasabing kanta ay kanyang sinulat, samantala ang kanyang real-life boyfriend naman na si KoRics, Rico Blanco, ang nagsilbing arranger at producer ng kanta.
Narito naman ang lyric video na inilabas noong nakaraang taon.
Samantala, narito naman ang ilan sa mga pasilip sa music video ng ‘Carelessly’ na pinagbibidahan nina Maris Racal at BGYO Gelo.
Nakatakdang ilabas ang kabuuan ng music video ng ‘Carelessly’ alas-5 ng hapon ng Miyerkules, Mayo 17, 2023.
UPDATE: Narito na ang kabuuan ng music video ng kantang ‘Carelessly’ ni Maris Racal, tampok si BGYO Gelo.

One reply on “Music video ng kantang ‘Carelessly’ ni Maris Racal, tampok si BGYO Gelo”
[…] Music video ng kantang ‘Carelessly’ ni Maris Racal, tampok si BGYO Gelo […]