Categories
Shows Trendrod Box Trendrod Hit

Netizens, naaliw sa viral ‘ASAP’ performance

Kahit ano, pu-pwede talagang mangyari sa live performances.

Sa live episode ng programang ‘ASAP Natin ‘To’ noong Linggo, Mayo 7, hindi napigilan ng mga manonood ang isang performance. Sa ‘ASAP Champions’ segment, kung saan magkakasama sina Jed Madela, Angeline Qunito, at Klarisse de Guzman, kitang nagkaroon ng problema sa pagpasok ng tugtog.

Ito ang naging dahilan upang hindi makanta ang unang mga linya ng awiting kanilang dapat kakantahin. Ngunit, dalawang bahagi sa parteng ito ang kinaaliwan ng mga netizens online.

Una ay ang paglakad ni Angeline Quinto sa likuran nina Jed at Klarisse.

Pangalawa, ay ang binansagang “shortest ASAP perfromance ever,” kung saan naawit lamang ni Klarisse ang dalawang salita sa kantang sana’y kanilang aawitin.

Matapos kumalat ang clip ng performance, sumakay na rin ang mga mang-aawit sa ‘trip’ ng mga netizens. Ayon kay Angeline, “namasyal lang talaga” siya sa studio dahil masarap daw maglibot dito. Pabiro pa nga niyang ‘niyaya’ sina Jed at Klarisse sa susunod.

Sinabi naman ni Klarisse sa kanyang tweet, “isang karangalan daw” para sa kanya ang makanta ang linyang “ngarap ko on ASAP stage.” Dagdag pa niya, “hinatid ko lang talaga si kuya Jed [Madela].”

Ang nangyaring ito sa kanila ay isang patunay na maaaring magkaroon ng mga pagkakamali ang sinuman, lalo na sa live na mga pagtatanghal sa TV. Gayunpaman, kahanga-hanga rin ang kanilang propesyunal na pag-handle sa sitwasyon. “Tunay na pro,” ika nga.

Leave a Reply

Discover more from Trendrod

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading