Categories
Movies Trendrod Box

Pelikula ng tambalang Alden-Bea, hindi na tuloy

Kinumpirma ang balitang ito ng mga prodyuser ng pelikula ngayong araw.

Sa isang pahayag, kinumpirma ng produksyon ng ‘A Moment To Remember’ na postponed ang pelikulang hango sa 2001 Japanese drama na ‘Pure Soul’ at sa 2004 South Korean film na kapareho ng title ng ginagawang Pinoy adaptation. Ito rin ang pelikulang sana’y pagbibidahan nina Alden Richards at Bea Alonzo, na unang inanunsyo noong 2021.

Ayon sa GMA Pictures, Viva Entertainment, at APT Entertainment — ang tatlong kumpanya na nasa likod ng adaptation — ipinapagpaliban ang proyekto dahil sa scheduling conflict ng mga miyembro ng produksyon.

Ang bagong production date, mga cast, at ang release ng pelikula ay kanila raw umanong iaanunsyo sa darating na panahon.

GMA Pictures, Viva Films, and APT Entertainment would like to announce the postponement of the movie ‘A Moment To Remember,’ originally topbilled by Alden Richards anr Bea Alonzo, due to scheduling conflicts within the production team.

The new production date, cast, and cinema release will be announced in due time.

Thank you.

– Statement on ‘A Moment To Remember’ (May 2, 2023)

Bagamat na-postpone ang naturang proyekto, ang mga sana’y bida nito na sina Alden Richards at Bea Alonzo ay may mga pinagkakaabalahan naman.

Si Alden ay kasalukuyang shinoo-shoot ang pelikulang ‘Five Break-ups and A Romance’ kasama si Julia Montes. Si Alden din ay isa sa mga producers ng pelikula sa pamamagitan ng Myriad Productions, at kasama niya rin dito ang GMA Pictures at Cornerstone Studios.

Samantala, makakapareha naman ni Bea si Dennis Trillo sa teleseryeng ‘Love Before Sunrise’ na inaasahang mapapanood sa GMA at streaming service na Viu ngayong taon.

Huling nagkasama sa isang proyekto sina Alden at Bea sa Kapuso adaptation series na ‘Start-Up PH’, na umere noong Setyembre hanggang Disyembre 2022.

Leave a Reply

Discover more from Trendrod

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading