Categories
Earth Trendrod News

Magnitude 5.2 na lindol, tumama sa Occidental Mindoro (April 29, 2023)

Lindol, yumanig sa Occidental Mindoro, mga karatig bayan nito ngayong Sabado ng hatinggabi.

Ayon sa PHIVOLCS, isang Magnitude 5.5 na lindol ang tumama sa bayan ng Calintaan sa Occidental Mindoro kaninang alas-12 el punto. Nagbabala rin sila sa mga posibleng aftershocks dahil dito.

Ngunit, sa pinakahuling ulat ng PHIVOLCS ukol sa lindol na ito, kanilang ibinaba ang Magnitude nito mula sa 5.5 papunta sa 5.2.

Naramdaman ang nasabing pagyanig sa mga kalapit na probinsya ng Occidental Mindoro, gaya ng Batangas, Cavite, at ang Metro Manila.

Samantala, ayon naman sa naunang ulat ng United States Geological Survey (USGS), nakapagtala sila ng pagyanig sa bayan ng Calatagan sa Batangas at ito ay may Magnitude na 5.2.

Manatiling nakaantabay para sa mga pinakahuling balita ukol sa nangyaring lindol ngayong Sabado ng hatinggabi.

Mag-ingat po ang lahat.

You may bookmark and refresh this page for the latest update on this developing story.

Leave a Reply

Discover more from Trendrod

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading