Simula ngayong araw, required na ang pagpaparehsitro ng SIM card.
Nagsimula na ngayong araw ang Nationwide SIM Card Registration program, kung saan ni-rerequire ang mga taong may SIM na iparehistro ang kanilang detalye upang patuloy na magamit ang mga ito.
Ngunit, sa unang araw pa lang, aberya na ang inabot ng nga nais magparehistro, dahil hindi sila makapasok sa websites na inilaan ng networks para sa proseso.
Ayon sa Smart, kanila nang inaayos ang pagdadagdag ng kapasidad ng kanilang website. Samantala, ang Globe naman, pinaalalahanan ang kanilang subscribers na maaari pa naman nilang iparehistro ang kanilang SIM hanggang Abril 2023.
Sa kabila nito, ang DITO Telecommunity naman ay ipinagmamalaki ang 185,000 ng 15 milyong subscribers nila na nakapahrehistro ngayong araw.
