Categories
Trendrod Updates

‘Boto Pilipinas 2022’: Election coverage ng Trendrod, opisyal nang inilunsad

Makibahagi at maging liwanag ng pagbabago.

Ngayong taon, iluluklok sa pwesto ang ika-pitong pangulo pagkatapos ng unang EDSA Revolution noong 1986. Sa taong din ito, magaganap ang kauna-unahang pambansang halalan sa gitna ng isang pandemya, ang COVID-19. Bagamat sa Mayo 9 pa gaganapin ang araw ng eleksyon, mainit na ang tunggalian ng iba’t ibang kandidato at partido. Lahat, nais makuha ang bawat isang boto mula sa higit 67 milyong rehistradong indibidwal para sa 2022 elections.

Mula ngayong araw, Enero 10, 2022, hanggang sa pagkaluklok ng bagong Pangulo at iba pang opisyal ng pamahalaan sa tanghali ng Hunyo 30, 2022, makakasama ninyo ang Trendrod sa pagbabantay at pakikibahagi rito.

‘Boto Pilipinas 2022: Tayo ang Liwanag ng Pagbabago,’ iyan ang opisyal na kampanya at adhikain ng Trendrod para sa halalang ito. Sa ilalim nito, kakalapin at ibabahagi sa blog na ito, pati na rin sa mga social media accounts ng Trendrod ang mga balita at headlines na kaugnay ng Eleksyon 2022 sa wikang Filipino.

Samantala, ang mga ulat na nakalathala naman sa wikang Ingles ay mapupunta sa ‘Vote Nation,’ ang orihinal na kampanya ng Trendrod na inilunsad noong Oktubre 2021. Gaya ng Boto Pilipinas, hangad din ng VN na maging liwanag ng pagbabago ang bawat isa sa atin.

Makialam at makibahagi rin sa Trendrod ngayong eleksyon. Gamitin lamang ang hashtag na #BotoPH2022 sa mga social media platforms.

Ngayong papalapit na ganap na pagsisimula ng panahon ng eleksyon, makakaasa kayo na kaisa ang Trendrod sa nais ng lahat: ang isang malinis at matiwasay na halalan. Nawa’y ang ating pagpili ang siyang magsilbing tulay patungo sa liwanag ng pagbabago.

Lagi ring tatandaan: Boto, Pilipinas ngayong Mayo 9, 2022!

Leave a Reply

Discover more from Trendrod

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading